Lakbay – Sanaynay: Britania Group of Islands

Courtesy : https://youtu.be/gYDeoH_phkY

Ang paglalakbay ay isa sa mga nais kong gawin habang bata pa at walang ibang iniisip kundi ang mapasaya ang sarili at tangkilikin ang buhay. Pangarap ko talagang makapunta sa iba’t-ibang lugar maging lokal man o internasyonal dahil nais kong maranasan ang kanilang iba’t-ibang kultura, tradisyon, at pagkain. Subalit, nag-aaral pa rin ako sa ngayon at hindi ko masyadong nabibigyan ng oras ang paglalakbay. Gayunpaman, iilan na rin ang mga lokal na lugar na napuntahan ko na dinarayo ng mga tao, dayuhan man o taga rito lang sa Pilipinas. Ang paglalakbay ay isa sa mga nagpapasaya sa akin sapagkat sa pamamagitan nito, nalilimutan ko ang mga problema ko. Kung baga ito ang nagpapagaan ng loob ko at ang pumapawi sa pagod ko. Ang pamilya ko ang madalas na kasama ko sa aking mga naranasang paglalakbay kaya naman masasabi ko rin na ang paglalakbay ay isa sa mga paraan na nagpatibay sa samahan ng aking pamilya.

Isa sa mga magagandang tanawin na napuntahan ko na kasama ang aking pamilya ay ang Britania Group of Islands na matatagpuan sa Surigao del Sur. Ang Britania ay nakilala dahil sa ganda ng mga isla na makikita rito. Ang bawat isla ay may natatanging pangalan at ganda. Sa lugar na ito, naranasan ko ang mag- island hopping at siyempre maligo sa napakalinaw na tubig at kumain ng sariwang seafoods. Inakyat namin ang ibang islang aming pinuntahan at kumuha ng mga magagandang larawan. Ang mga islang napuntahan namin ay ang Hagonoy Island, Naked Island, Boslon Island, at Hiyor-Hiyoran Island.

Hagonoy Island
Hagonoy Island

Ang Hagonoy Island ang unang islang aming pinuntahan. Ang islang ito ay may kakaunting mga puno. Sinasabi nga na ito ay halos kahawig na ng Naked Island ang pinagkakaiba lang ay may kakaunting mga puno na makikita rito.

Naked Island

Naked Island

Sunod naman ang Naked Island na kung saan wala kang ibang makikita kundi ang puti at pinong buhangin kaya nga ito ay tinawag “Naked”.

Boslon Island

Pangatlong pinuntahan namin ang Boslon Island na siyang pinamalaking isla sa lugar. Ito ay ang madalas na dinarayo na mga tao.

Hiyor-Hiyoran Island

Ang huling pinuntahan namin ay ang Hiyor-Hiyoran Island na sagana rin sa mga puno.

Sa kabuuan, ang lahat ng mga isla ay napapalibutan ng malabughaw at napakalinis na tubig. Upang makapunta sa mga islang ito ay kinakailangang sumakay ng bangka. Ang rental fee ng isang bangka ay P1,500 para sa 10-15 katao at maaari niyo nang bisitahin ang apat na islang nabanggit.

Sa aming paglalakbay na pagtanto ko na ang saya palang maka-bonding ang ating pamilya dahil ang samahan namin ay mas lalong pinagtibay. Kaya naman ating bigyang-halaga ang bawat araw na kapiling sila sapagkat sila ay natatangi at walang hihigit pa sa pagmamahalan at pag-alagang pinaparamdam nila sa atin. Napagtanto ko rin na ang dami palang magagandang tanawin na makikita dito sa Pilipinas na nararapat lamang nating ipagmalaki ay alagaan nang maayos. Kailangan nating alagaan ang mga ito at protektahan upang maiwasan ang pagkawasak nito. Gayunpaman, matuto tayong mahalin ang sariling atin huwag nating pabayaang masira ang likas na yaman ng ating bansa.

References:

https://www.rappler.com/life-and-style/travel/britania-islands-surigao-travel-beaches

Britania, San Agustin, Surigao del Sur Island Hopping

https://www.tripadvisor.com.ph/LocationPhotoDirectLink-g4041422-d3946185-i252351098-Britania_Islands-San_Agustin_Surigao_del_Sur_Province_Mindanao.html

https://www.google.com/amp/s/biyahengjuansided.com/2015/11/29/britania-islands-in-san-agustin-surigao-del-sur-patches-of-paradise/amp/

Captivating Boslon Island, Britania Group of Islands, Surigao del Sur

https://www.siranglente.com/2017/02/hiyor-hiyoran-island-surigao.html?m=1

https://www.amazingplacesonearth.com/hagonoy-island-philippines/

https://www.tripadvisor.com/LocationPhotoDirectLink-g4041422-d3946185-i189253345-Britania_Islands-San_Agustin_Surigao_del_Sur_Province_Mindanao.html

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started